Lahat ng hinahanap mo ay nandito. Ang tindahan ni Mang Tomas ay laging bukas sa gustong tumambay para sa kasiyahan at bumili ng libreng kaalaman na may kasama pang kiss sa aking tindera.
Huwebes, Mayo 16, 2013
Ano ba ang nangyayari sa mga batang naho-Home Alone?
Public service: Wag iiwan ang inyong mga anak na nagiisa sa bahay. Ganito ang nangyayari sa mga batang naho-Home Alone.
Tay, Nay, bakit po ba kailangan pang mag-aral?
Pag nagtanong yung anak mong lalake kung bakit kailangan nyang mag-aral, pakita mo tong picture na to. Ito na rin ang pakita mong picture kapag nagtanong din ang babae mong anak.
Food Photography 101
Dahil halos lahat ng tao ngayon ay may camera na ang celphone, lahat na lang ng bagay ay pinipicturan. Usong uso rin ang picture ng mga pagkain na hindi mo alam kung nangi-inggit o nagyayabang lang talaga.
Dati: Magdasal bago kumain.
Ngayon: Picturan mo muna bago mo kainin.
Mang Tomas Sari-Sari Store is now open.
Hango sa isang tindahan sa riles sa isang palabas ng namayapang hari ng komedya, ang Mang Tomas Sari-Sari Store ay muling nagbubukas ngunit iba na ang management. Kagaya ng mga tindahan sa iba't-ibang sulok ng bansa, ang blog na ito ay naglalayong magbigay tambayan sa pamamaraan ng makabagong teknolohiya. Ang mga gagawin kong laman ng tindahang ito ay katulad din ng sa isang tunay na tindahan kung saan sari-sari, mula sa kaseryosohan ng buhay, pulitika, showbiz, basketbol at kung ano-ano pa.
Libre utang dito, chong! Kuha lang ng kuha! Matuto at magpakasaya!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)